mama: mababa over mo!
kesh: ha?
mama: mababa over mo!
kesh: ha? anong over?
mama: parang 110 over 60! mababa over mo! anemic ka!
kesh: ahhh..
ayan ang eksena namin ni mama nung isang linggo ng gabi sa harap ng kandila..
habang nagaantay ng kuryente at pagkatapos kong ikwento sa kanya..
na muntik na ko himatayin sa daan habang naglalakad..
as expected of mama..
casual lang..
mama: kumain ka ng itlog! ako araw-araw kumakain ng isang itlog.
kesh: itlo0og???
manila! manila! manila!
last week lumubog sa baha ang manila because of Ondoy..
first time na muntik na pasukin ng baha bahay namin..
good thing papa was really good..
engineer by nature..
tinaasan nya ang harap ng bahay before..
kaya hindi kami pinasok ng baha..
God is good..
and tho ilang araw din kaming nagdinner by candle light..
okay lang kasi mas marami pang mas malala ang nangyari..
as in marami..
anyway..
sabi ni daddy..
share your blessings!
last friday..
bilang kakaaalis lang ni Ondoy..
at pagkatapos binalita ng PAG-ASA na darating naman bilang super typhoon si Pepeng..
lahat na kami nataranta!
si ate..
si ate..
at isa ko pang ate..
kaya ang ending..
umuwi ako ng alas-sinko..
dumiretso ako sa landmark..
at nagpanic buying ako!
demet!
first time ko mag-grocery ng halos limang libo..
i mean using my own $$$!
tsk..
ano nga ba pinagbibibili ko..
de lata..
de lata..
at maraming marami pang de lata..
at noodles in case wala na kami makain..
pag-uwi..
bungad ni mama..
NAGPANIC BUYING KA?
this would be the time na unti-unti nagsisink-in sakin na wala na si papa..
tho..
stil..
not totally..
mukha kong tanga sa daan kaganina habang naglalakad at umiiyak..
namimiss ko sya..
ang pinakamalalang miss ay ang miss na kahit kailan..
hindi na talaga mapupunan..
i wish..
sana..
i won’t encounter anymore family deaths for the rest of my life..
and i wish my loved ones and friends won’t experience same hurt as i did..
kaya palagi ko sinasabi..
show them your love..
kasi ayoko mangyari sa kanila nangyari sakin..
and yet..
as always..
not all of them will listen..
hehe
gusto ko nang tapusin ang post..
pero gusto ko ikwento yung nangyari sakin nung isang linggo..
muntik na ko himatayin..
warning: pang babae lang
may pagdalo kami ng araw na yun..
sakto..
first day of period..
at dahil sa nagmamadali ako baka ma-late..
(so new!)
naligo ako ng hindi nagiinit ng tubig..
nakagayak ako at nakarating ng pulong..
(at ye! hindi ako late!)
walang masakit kundi ang aking puson..
lumabas ako para bumili ng fajibar.. coke.. at mefenamic acid..
habang naglalakad ako pabalik..
bigla akong parang nagwhiteout!
hindi blackout kasi white yung paningin ko..
pinagpatuloy ko paglakad ko pero parang unti-unting hindi ko na nararamdaman ang akin faa!
kala ko magfaint ako..
naghanap ako sa paligid kung may malapit na matipunong lalaki..
wala!
meron lang matandang babaeng nagwawalis..
aanhin ko sya?
hehehe
mabuti nalang may upuan sa may tindahan ng bigas samay camba..
umupo ako at pinagtinginan ng tao..
i was like “nastarstruck kaya sila sakin?”
tinignan ko sila sa mata..
mukhang hindi naman..
after few minutes na mukhang kaya ko nang maglakad pabalik..
naglakad ako at dire diretsong humiga sa kama sa baba..
kahit na walang cover at mukhang giant alikabok na sya.. carrybells lang..
at doon..
ako’y pinagpawisan ng malamig..
para ko naligo uli..
at hindi makabangon..
me mga batang naglalaro sa baba..
tinawag ko yung isa..
kesh: kilala mo si keith?
bata: sino un?
kesh: kilala mo si toto?
bata: opo
kesh: pakitawag..
nalipasan na ko ng panahon..
hindi parin dumadating si toto..
tumayo na ko at hooray!
andun yung pamangkin kong isa..
pinakuha ko gamit ko..
umuwi ako agad..
at natulog nang mahaba..
tandaan..
“dahil walang masamang pakiramdam..
ang hindi nadadaan sa mahabang tulugan..”
anyhoo..
today we celebrate my blog’s 7000th views!!!
muli..
salamat sa mga tumatangkilik..
mga nagbabasa..
kahit na madalas hindi ko na to nauupdate..
kahit dito lang..
stay with me..
haha. kktawa nmn yun